Nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang Chinese actress na si Zhang Yingfei mula Hunyo 8 hanggang 11 upang suportahan ang mga education at charity initiatives ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).
Kilala si Zhang sa kanyang papel bilang “Linda Walker” sa viral micro-drama na The Heiress Who Won with Brains, na tampok ang kwento ng isang estudyanteng nagtagumpay sa pamamagitan ng sipag at edukasyon.
Ayon sa FFCCCII, bahagi ng kanyang pagbisita ang “Education for a Better Future” campaign na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na pahalagahan ang edukasyon, disiplina, at tiyaga.
Nakatakda rin siyang mag-courtesy call kay Isko Moreno at bumisita sa Intramuros at Binondo bilang bahagi ng kanyang itinerary sa bansa.
Magkakaroon din ng outreach program sa Quezon City High School kung saan mamamahagi ng school supplies at hygiene kits para sa mga estudyante katuwang ang FFCCCII at ilang opisyal ng pamahalaan.





