--Ads--

‎Maaaring makatanggap ng ₱100,000 cash incentive ang mga social pensioner sa lungsod ng Santiago sa edad na 95, ayon sa opisyal ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Antonio Carreon, officer in charge ng OSCA, sinabi nito na  ang lokal na pamahalaan ng Santiago ay naglalaan ng insentibo para sa mga kwalipikadong senior citizen kahit hindi pa sila umabot sa 100 years old.

‎Ipinaliwanag niya na ang naturang programa ay nagbibigay ng pensyon sa edad na 95, at kapag umabot na ang benepisyaryo sa eksaktong 100 years old, sakop na sila ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan maaari rin silang makatanggap ng karagdagang ₱100,000 bilang pagkilala sa kanilang centenarian status.

‎Dagdag pa ni Carrion, kabilang sa mga kailangang isumite ng mga aplikante ang orihinal o certified true copy ng birth certificate bilang patunay ng edad at pagkakakilanlan, pati na rin ang iba pang kaukulang dokumento na hihingin ng OSCA at ng lokal na pamahalaan para sa beripikasyon.

--Ads--

‎Nilinaw niya na ang layunin ng programa ay kilalanin at suportahan ang mga senior citizen sa lungsod bilang pagkilala sa kanilang ambag sa komunidad at upang matiyak na natatanggap nila ang mga benepisyo na nararapat sa kanila.