Aabot sa 1.4 milyong pamilyang Pilipino ang maaaring bumagsak sa kahirapan kung hindi sapat ang tugon ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na oil crisis, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pagdinig ng Senate PROTECT Committee, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na batay sa mga pagtataya ng Philippine Institute for Development Studies at Asian Development Bank, posibleng madagdagan ang bilang ng mahihirap sa loob ng unang tatlong buwan ng krisis kung walang agarang aksyon ang gobyerno.
Tinatayang 7.5 milyong kabahayan ang maaaring mabigyan ng ayuda, kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps, mahihirap na pamilya, at near-poor na mga manggagawa na rehistrado sa Social Security System.
Aabot sa P74 bilyon ang kakailanganing pondo para masuportahan ang pinakamahihirap na sektor, habang layunin ng programa na maibalik ang nabawasang kakayahang gastusin ng mga pamilyang apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.Samantala, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na mahigit 400,000 kabahayan ang posibleng mapasama sa near-poor category











