--Ads--

Nag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng ₱15 milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na pinaghahanap kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Binigyan naman ng PNP ng isang linggo si Sen. dela Rosa upang sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Remulla, ituturing nang armado at mapanganib si Dela Rosa habang nagpapatuloy ang pagtugis sa kaniya ng mga awtoridad.

Nagtatago ang senador kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya dahil sa mga alegasyon ng krimen laban sa sangkatauhan, partikular ang pagpatay, kaugnay ng kaniyang pagkakasangkot sa kampanya kontra droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--

Nanawagan ang mga awtoridad kay Dela Rosa na sumuko sa loob ng itinakdang panahon habang nagpapatuloy ang mga hakbang upang maipatupad ang warrant of arrest.