--Ads--

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) Region 2 ng ₱3.7 milyon para sa produksyon ng 420,000 ube planting materials na gagamitin sa pagpapalawak ng taniman ng ube sa Isabela, kabilang ang bayan ng Echague.

Pagsapit ng Oktubre 7, nasa 211,180 setts na ang naihatid sa Echague, habang inaasahan ang paghahatid sa mga natitirang planting materials. Target ng DA na mapagtamnan ng ube ang kabuuang 100 ektarya sa lalawigan ngayong taon.

Bukod sa pagpaparami ng tanim, pinag-aaralan din ang pagbibigay ng cold storage, makinarya, automated irrigation at processing facilities upang mapalakas ang produksyon at pagproseso ng ube.

Katuwang ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor, layon ng inisyatiba na mapalawak ang merkado ng ube, kabilang ang pag-export nito, at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga magsasaka sa Cagayan Valley.

--Ads--