--Ads--

 CAUAYAN CITY – Nasamsam ng mga pulis  ang  higit isang milyong  pisong halaga ng shabu sa pagsisilbi ng search warrant sa isang bahay  sa barangay Ugad, Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay isang 24 anyos na lalaki at residente ng  Ugad, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isinagawa ng mga kasapi ng Cabagan Police Station ang pagsisilbi ng search warrant kaninang madaling araw  at nasamsam sa paghahalughog sa bahay ng suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 150 grams  at may tinatayang halaga na 1,020,000 pesos.

Nasamsam din sa nasabing lugar ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

--Ads--

Dinala sa Cabagan Police Station ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at  disposisyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act   9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.