--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang patay habang isa rin ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Cabisera 19, San Antonio, City of Ilagan.

Ang nasawi ay si Angelo Siobal na residente ng barangay Cabisera 17-21 habang ang nasugatan ay si Laymar Juan na residente naman ng barangay Cabisera 3, City of Ilagan.

Batay sa imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station, binabagtas ni Juan sakay ng kanyang motorsiklo ang lansangan ng barangay Cabisera 3 habang nasa kasalungat na direksyon ang motosiklong minamaneho ni Siobal.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay umagaw umano ng linya si Siobal kaya nagsalpukan ang dalawang motorsiklo.

--Ads--

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang tsuper na agad isinugod sa isang ospital sa lunsod subalit binawian ng buhay si Siobal dahil sa malalang sugat sa katawan.