--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang kasapi ng lupon ng barangay habang sugatan ang isa pa nitong kasama sa naganap na pamamaril sa bahagi ng Purok 4, Brgy Nabbuan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ang nasawi na si Sonny Julian residente ng Purok 7, Nabbuan, Santiago CIty.

Lulan ng biktima ang isang tricycle kasama ang dalawa pa nitong kasamahan ng pagbabarilin sila ng pinaghihinalaan na umanoy isang retiradong pulis.

Sa naturang pamamaril ay nasugatan ang isa sa kasama ng biktima habang ang isa ay maswerteng nakatakas.

--Ads--

Nagtamo naman ng ilang tama ng baril mula sa Cal. 38 ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan pangunahin na malapit sa kanyang dibdib.

Sa initial na pagsisiyasat, lumalabas na umanoy alitan sa patubig ang isa sa nakikitang ugat ng naturang krimen.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng Station 4 ng Santiago City Police Office para sa ikadarakip ng suspek.