CAUAYAN CITY- Sampung atleta ang nawalan ng malay dahil sa mainit na lagay ng panahon sa kasagsagan ng grand parade ng mga delegado ng Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) 2017 sa Sports Complex sa City of Ilagan
Ang 10 atleta na mula sa Santiago City, Ilagan City at Batanes ay dinala sa Emergency Field Unit ng City Disaster Risk Reduction Management Office at nasa mabuti na silang kalagayan.
Mahigit 5,000 ang atleta mula sa 9 na delegasyon na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batanes, Lunsod ng Cauayan, Ilagan, Tuguegarao at Santiago.
Magpapakitang gilas, lakas, husay at galing sa taunang CAVRAA Meet 2017 ang mga atleta
Buong puwersa ng kapitolyo sa pangunguna ni Gov. Bogie Dy ang nakiparada sa CAVRAA 2017.
Ang tema ngayong taon ng CAVRAA Meet ay “Enriching Cooperation through Development in Sports”.
Samantala, determinado ang delegasyon ng Isabela na maagaw sa Cagayan ang kampeonato sa CAVRAA Meet 2017.