--Ads--

Sinabi ni U.S. President Donald Trump na ipinaalam sa kanya ang konsepto ng isang posibleng kasunduan sa Iran, ngunit hinihintay pa niya ang eksaktong detalye o pinal na teksto ng proposal.

Nagbabala rin si Trump na maaari pa ring ipagpatuloy ng Estados Unidos ang mga pag-atake sa Iran kung magpapatuloy umano ang “masamang kilos” ng Tehran.

Ayon sa isang senior Iranian official, may panukala ang Iran na tinanggihan pa ni Trump, na layong buksan muli ang daloy ng shipping sa Strait of Hormuz at tapusin ang U.S. blockade sa Iran, habang ipagpapaliban ang usapan sa nuclear program nito.

Dagdag pa niya sa kanyang social media post, hindi niya inaasahang tatanggapin ang naturang mga panukala at iginiit na hindi pa sapat ang “binayarang halaga” ng Iran para sa mga ginawa nito.

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng Washington at Tehran sa gitna ng mga usapin tungkol sa nuclear program at seguridad sa rehiyon.

--Ads--