--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ng sampung panibagong nagpositibo sa COVID 19 ngayong araw ang Cauayan City.

Walo sa mga nagpositibo na kinabibilangan nina CV 5410, CV 5412, CV 5413, CV 5414, CV 5415, CV 5416, CV 5417, at CV 5419 ay kapamilya at kasamahan sa trabaho ni CV 5199.

Apat rito ay nakaranas ng sintomas tulad ng ubo, sipon at pagkawala ng panlasa habang apat naman ang asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19.

Sumunod ay si CV 5411,26 anyos na lalaki na residente ng Barangay San Pablo at direct contact nina CV 5412 at CV 5010 na kasamahan sa trabaho.

--Ads--

Siya ay asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19.

Panghuli ay si CV 5425, 46 anyos na lalaki, empleyado,may asawa at residente ng Barangay District 1.

Siya ay nakaranas ng sintomas tulad ng ubo, sipon, lagnat at panghihina noong unang araw ng Enero.

Dahil may comorbidity na diabetes at hypertension, agad niya itong ipinagbigay alam sa City Health Office.

Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure.

Ang mga panibagong pasyente ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU isolation facility.