--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ng labing-isang panibagong kaso ng COVID 19 ang Cauayan City.

Una ay si CV5255, l57 anyos na lalaki, residente ng Barangay District 1 at isang doktor na may history of travel sa San Mateo, Isabela noong December 29, 2020.

Sumunod si CV5302, 17 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Fermin na direct contact ng nagpositibong si CV5080.

Siya ay asymptomatic at kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang strict home quarantine.

--Ads--

Sumunod si CV 5335, 55 anyos na lalaki, residente ng Barangay Tagaran.

Siya ay may comorbidity na diabetes, at nakaranas ng sintomas tulad ng ubo na agad nagpakonsulta sa ospital.

Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kanyang posibleng exposure.

Naka-admit si CV 5335 sa hospital isolation facility.

Pang-apat ay si CV 5336, 53 anyos na babae na residente ng Barangay Tagaran.

Siya ay direct contact ng nagpositibong si CV5335 na kanyang asawa, asymptomatic at kasalukuyang nasa pangangalaga ng hospital isolation facility.

Sumunod si CV5337, 72 anyos na babae, nakaranas ng sintomas tulad ng ubo, sipon at pananakit ng katawan.

Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kanyang posibleng exposure at naka-admit na siya sa hospital isolation facility.

Ang lima sa mga naitalang positibo na kinabibilangan nina CV 5338, CV 5341, CV 5342, CV 5343,at CV 5344 ay pawang kapamilya ng nagpositibong si CV 4868.

Sila ay mga residente ng Barangay District 1, sina CV 5338 at CV 5342 ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, sipon, at lagnat habang asymptomatic naman sina CV 5341, CV 5343 at CV 5344.

Panghuli si CV 5339, 41 anyos na babae residente ng Barangay Minante 1, isang empleyado.

Siya ay walang history of travel at inaalam pa ang kaniyang posibleng exposure.

Siya ay naka-admit sa hospital isolation facility.