--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw sa Cauayan City ang 12 panibagong nag-positibo ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang lunsod, una sa mga bagong kasi si patient CV 3685, 22 anyos na lalaki, may asawa at residente ng Barangay Buyon.

Pangalawa ay si CV 3695, 63 anyos na lalaki, may asawa at residente ng Barangay Minante 1.

Sumunod ay si CV 3700, 82 anyos na lalaki, at residente ng Barangay District 1.

--Ads--

Sumunod si CV 3701,54 anyos na babae, may-asawa at residente ng Barangay District 1.

Dalawa pa sa bagong kaso na sina CV 3702, CV 3703 ay kapamilya ni CV 3701, kapwa residente ng Barangay District 1.

Sumunod si CV 3704, 27 anyos na babae, at residente ng Barangay Carabatan Chica.

Siya ay direct contact ng nagpositibong si CV 3522 na kanyang asawa.

Pang-walo ay si CV 3706, 17 anyos na babae, at residente ng Barangay District 2.

Apat sa mga naitala ngayong araw na kinabibilangan nina CV 3708, CV 3709, CV 3710, CV 3711 ay mga kapamilya ng nagpositibong si CV 3575 na residente ng Barangay Tagaran.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang lunsod ng Cauayan ang publiko na sumunod sa mga health protocols.