--Ads--

Inihayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na nasamsam nila ang isang oil tanker sa isang special operation sa Gulf of Oman, habang sinabi naman ng militar ng Estados Unidos na pinatigil nila ang dalawang tanker na papasok sana sa mga daungan ng Iran.

Nag-ugat ang pahayag matapos magpalitan ng akusasyon at pag-atake ang US at Iran sa Strait of Hormuz, na nagdulot ng pangamba sa patuloy na tigil-putukan at usapang pangkapayapaan.

Ayon sa Iranian state media, kinumpirma ng kanilang navy ang pagkuha sa barkong Ocean Koi dahil umano sa tangkang paghadlang nito sa oil exports ng bansa. Ipinakita rin sa isang video ang pag-akyat ng Iranian forces sa barko.

Sa panig ng US Central Command, sinabi nitong kanilang na-disable ang dalawang Iranian-flagged tankers habang papalapit sa mga daungan ng Iran sa Gulf of Oman.

--Ads--

Ayon pa sa US, nananatiling nakatuon ang kanilang puwersa sa pagpapatupad ng pagharang sa mga barkong kaugnay ng Iran.

Nauna rito, nagpalitan din ng akusasyon ang US at Iran kaugnay ng mga pag-atake sa Strait of Hormuz, kung saan kapwa nag-ulat ng insidente ng pagkasugat at pagkawala ng mga tripulante.