--Ads--

Labindalawang katao ang nasawi matapos sumabog ang isang maliit na tindahan ng paputok sa Xiangyang, Central Hubei, nitong Miyerkules Pebrero 18.

Agad na rumesponde ang mga emergency responders upang kontrolin ang apoy, ngunit nagdulot ang pagsabog ng malaking pinsala sa estruktura ng gusali at sa mga kalapit na establishimento.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog at sunog.

Ayon sa ulat, karaniwan umano ang mga aksidente kaugnay ng paputok sa China, lalo na tuwing pista tulad ng Lunar New Year, na nagsimula kamakailan.

--Ads--

Noong Linggo, isa pang pagsabog ang naganap sa isang tindahan ng paputok sa Jiangsu province sa silangang bahagi ng bansa na ikinasawi ng walong katao at ikinasugat ng dalawa pa. Ayon sa mga awtoridad, isang residente umano ang nagpaputok malapit sa naturang tindahan bago naganap ang insidente.

Nagbabala naman ang Central Government sa isang pahayag tungkol sa mga panganib ng paputok, at sinabing ang mga ito pa rin ang pinakamalaking banta sa kaligtasan tuwing panahon ng Spring Festival.