Patuloy na umiinit ang kompetisyon sa ilang sports events sa nagpapatuloy na Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA Meet 2026 sa Lungsod ng Santiago.
Inaasahan na mas hihigpit pa ang labanan sa mga susunod na yugto ng torneo lalo na execution at difficulty ng mga sporting events.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Volter Logan, Assistant Tournament Director, sinabi niya na naging maayos at organisado ang daloy ng kompetisyon ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Aniya, sa larangan ng Aero Gymnastics ay isa ang Region 2 sa mga inaabangan sa mga national competition dahil na rin sa mga medalyang kanilang nasungkit sa Palarong Pambansa.
Ipinaliwanag ni Logan na ang batayan ng paghusga sa Aero Gymnastics ay ang execution, difficulty, at kalidad ng ipinapakitang elemento ng mga atleta.
Samantala, ayon naman kay Coach Roger Pacion ng Schools Division Office (SDO) Cagayan, maayos ay sistematiko ang kanilang naging paghahanda sa pamamagitan ng pagsasanay na tumagal ng isang buwan.
Aniya, nasa silver at bronze standing ang kanilang atleta sa kasalukuyan at inaasahang makakamit pa ang mas mataas na medalya sa mga suusnod na laban.
Binigyang-diin din niya na mataas ang antas ng hirap sa kanilang sports at may kaakibat itong panganib sa injury dahil sa mga mahihirap na elemento kaya patuloy ang kanilang pagpapatupad ng mga safety measures para sa mga atleta.











