--Ads--

Umabot sa 2.2 porsyento ang inflation rate sa lalawigan ng Isabela noong Marso 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)-Isabela sa isinagawang press conference noong Abril 14.

Ayon kay Julius M. Emperador, Chief Statistical Specialist ng PSA-Isabela, malaking pagtaas ito mula sa -0.3 porsyento noong Pebrero at mas mataas din kumpara sa 1.9 porsyento noong Marso 2025.

Sinabi ng PSA na pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ang transport sector na umakyat sa 13.9 porsyento, dulot ng pagmahal ng presyo ng produktong petrolyo tulad ng gasolina at diesel.

Sumunod na nag-ambag sa pagtaas ang housing at utilities na may 8.3 porsyentong inflation, partikular ang pagtaas ng singil sa kuryente, habang nakadagdag din ang food and non-alcoholic beverages sa paggalaw ng presyo.

--Ads--

Ayon pa sa PSA, nagpapakita ang datos ng epekto ng tumataas na presyo ng enerhiya at pabagu-bagong presyo ng pagkain sa kabuuang inflation sa lalawigan.