
CAUAYAN CITY – Naitala ang 13 bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) positive.
Ang una ay si CV 3389, 35 anyos na babae at residente ng Barangay Turayong at una nang nagpositibo sa COVID-19 ang mister na si CV 3093.
Ikalawa si CV 3388, 27 anyos na lalaki, may asawa, Evangelical worker at residente ng Barangay Culalabat.
Ikatlo si CV 3390, 33 anyos na lalaki, service crew sa isang fast food restaurant at residente ng Barangay San Fermin.
Mga kaanak naman ni CV 3092 ang dalawang bagong kaso ng COVID-19 sa lunsod na sina CV 3391 at CV 3392 at pawang residente ng Barangay San Fermin.
Si CV 3393na 20 anyos na lalaki at residente ng Barangay San Fermin ay nakasalamuha si CV 3094 na kanyang katrabaho.
Pinakabata naman sa mga bagong kaso si CV 3396, 1 anyos na babae at residente ng Barangay Villa Conception.
Una nang nagpositibo sa naturang virus ang kanyang ama na si CV 3100.
Ang ika-8 ay si CV 3397, 32 anyos na babae, residente ng Barangay Dabburab ay kaibigan ni CV 3241.
Sina CV 3398 at CV 3400 ay kapwa kaanak at empleyado nina CV 3228 at CV 3229.
Si CV 3398 ay residente ng Barangay Turayong habang si CV 3400 ay residente naman ng Barangay San Fermin.
Si CV 3399, 66 anyos na lalaki, residente ng Barangay Turayong ay may kasaysayan ng paglalakbay sa San Fernando, La Union.
Isang lolo rin si CV 3402, 68 anyos na lalaki, residente ng Barangay District 2.
Ika-13 si CV 3408, 25 anyos na lalaki, at residente ng Barangay San Fermin.
Siya ay direct contact nina CV 3098 at CV 3149 na mga kasamahan niya sa trabaho.
Patuloy pang inaalam ng CHO kung kanino nahawa sa COVID-19 ang apat sa mga panibagong positibo sa virus na kinabibilangan nina CV 3388, CV 3390, CV 3399 at CV 3402.
Dahil sa mga panibagong kaso ng COVID-19 ay nanatili sa 65 ang aktibong kaso ng nasabing virus sa Lunsod ng Cauayan.










