--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 338 ang mga COVID-19 positive sa  region 2 matapos na magkaroon ng bagong 13 na positibo.

Sa nasabing bilang ay 3 ang OFW, 4 ang Locally Stranded Indivdual (LSI) at 5 ang walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nahawaan sila ni CV308 na (LSI) mula sa Quezon City na nakaranas ng lagnat, ubo at sipon mula noong July 24, 2020 at ginagamot sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.

Ang mga bagong COVID-19 positive ay sina CV326 na 32 anyos na babae mula Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya, Overseas Filipino Worker(OFW) mula Saudi Arabia.

Ikalawa si CV327,  30 anyos na lalaki mula City of Ilagan at LSI na galing sa Caloocan City.

--Ads--

Ikatlo si CV328, 30 anyos na lalaki na mula sa Pamplona at LSI na galing sa Mandaluyong City.

Ikaapat si CV329, 20 anyos na babae mula City of Ilagan at LSI na galing sa Quezon City.

Ikalima si CV330, 38 anyos na babae at mula Delfin Albano, Isabela at galing sa Cavite at nakaranas ng sipon.

Ikaanim si CV331, 45 anyos na babae mula Tumauini, Isabela at OFW na galing sa Lebanon.

Ikapito si CV332,  59 anyos na lalaki na mula Naguilian, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit dumalo sa lamay ng kamag-anak at nahawa kay CV308.

Ikawalo si CV333 na mula rin sa Nagulian, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay at nahawaan kay CV308.

Ikasiyam si CV334, 85 anyos na lalaki mula Naguilian, Isabela at dumalo rin sa lamay at nahawaan din kay CV308.

Ikasampu si CV335 na 53 anyos na babae mula Naguilian, Isabela at nahawa kay CV308.

Ikalabing-isa si CV336, 50 anyos na babae na mula Naguilian, Isabela at nahawa kay CV308.

Ikalabindalawa si CV337, 56 anyos na lalaki na mula Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ikalabintatlo si CV338, 39 anyos na babae mula sa Luna, Isabela at OFW na galing sa United Arab Emirates.

Sa mga COVID-19 positive sa region 2 ay 3 ang nasawi at 221 ang recoveries.

Sa Isabela ay 158 ang COVID-19 positive, 1 patay at 110 ang recoveries.

Sa  Cagayan ay 147, 1 patay at 93 ang naka-recover na habang sa Nueva Vizcaya ay 28, 1 patay at 18 ang recoveries.

Nananatiling COVID-19 free ang Batanes at Quirino.