--Ads--

Isinugod sa ospital ang 14 na indibidwal matapos ang naganap na pagsabog sa bahagi ng Magsaysay, Baguio City kaninang umaga, Abril 13, 2026.

Batay sa paunang ulat ng Bombo Radyo News Team, isang lalaki umano ang naghagis ng improvised explosive sa isang diumano’y sugalan sa jeepney terminal sa Magsaysay.

Naiulat ang insidente sa mga awtoridad bandang alas-tres ng madaling araw.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang isang suspek habang nagpapatuloy ang Post Blast Investigation ng SWAT at SOCO.

--Ads--