--Ads--

CAUAYAN CITY -Isinailalim sa 15 araw ang ipapatupad na total lockdown sa barangay San Fernando, Alicia,Isabela kung saan galing ang nagpositibo sa COVID 19.

Nagsimula ang total lockdown sa barangay San Fernando noong July 2, 2020 at magtatapos sa July 16, 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joel Amos Alejandro ng Alicia, Isabela na naka-total lockdown ang barangay San Fernando dahil sa medyo marami ang nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID 19 sa nabanggit na lugar.

--Ads--

Nagbigay na ang pamahalaang lokal ng food packs 231 Households ng barangay San Fernando at sa mga susunod na araw ay magbibigay muli ng tulong ang LGU Alicia.

Tinig ni Mayor Joel Amos Alejandro ng Alicia, Isabela

Mahigpit ang Crisis Managament team sa pagbibigay ng qurantine at travel passess na para lamang sa mga papasok sa trabaho at bibili ng mga gamot at iba pang mahalagang pangangailangan.