--Ads--

CAUAYAN CITY– Isa na namang COVID-19 positive ang nasawi na mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon

Ang paglabing-limang nasawi ay si patient CV 1560, 65 anyos na mula sa Don Mariano Marcos, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Namatay siya kahapon habang nasa Region 2 Trauma and Medical Center ( R2TMC).

Dumating lamang ngayong araw ang resulta ng kanyang swab testat ito ay kumpirmado sa virus.

--Ads--

Bukod naman sa panibagong namatay dahil sa COVID-10 ay muli ring nakapagtala ang lalwigan ng Nueva Vizcaya ng 10 bagong kaso habang mayroon ding anim na nakarekober.

Sa talaan ng DOH Region 2, umabot na sa 509 na indibidwal ang total confirmed COVID-19 positive sa Nueva Vizcaya kung saan 15 na ang nasawi habang 270 active cases ng habang 224 ang recoveries.