--Ads--

Umabot sa 14 katao ang nasawi at 103 ang nasugatan matapos tamaan ng Russian drone strike ang isang malaking shopping center sa Kryvyi Rih, Ukraine.

Ayon sa mga opisyal, kabilang sa mga nasugatan ang 22 bata.

Dalawang bugso umano ang isinagawa sa pag-atake. Nangyari ang ikalawang strike habang rumesponde na sa lugar ang mga emergency crew upang tulungan ang mga biktima at apulahin ang sunog.

Patuloy ang search and rescue operations sa lugar habang inaalam pa ang kabuuang pinsala ng pag-atake.

--Ads--