--Ads--

CAUAYAN CITY – Labingsiyam ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Isabela ngayong araw, ika-23 ng Oktubre 2020.

Tumaas ito ng tatlo kumpara sa 16 na naitala kahapon.

Ang mga bagong kaso sa Isabela ay kinaibilangan ng 9 mula sa Cauayan City,  6 sa City of Ilagan, 2 sa Santiago City, 1 sa Luna at 1 din sa Benito Soliven, Isabela.

--Ads--

May bagong 39 na active cases na gumaling.

Sa 376 na active cases ay 6 ang Returning Overseas Filipino (ROF’s),  36 ang Locally Stranded Individual (LSI), 23 ang health workers, 7 ang pulis ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at 305 ang maituturing na local transmission at community transmission.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan na sumunod sa mga minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, sumunod sa social distancing at palaging maghugas ng mga kamay para makaiwas sa COVID-19.