Isinasaalang-alang ng House prosecution team ang paggamit ng mga dokumento tungkol sa 19 overseas trips ni Vice President Sara Duterte mula 2025 hanggang 2026 bilang ebidensiya sa alegasyon ng naipon nitong unexplained wealth.
Ayon kay House prosecutor Terry Ridon, mahalagang ikumpara ang gastos sa mga biyahe sa taunang suweldo ni Duterte bilang Vice President na nasa P4.2 milyon.
Sinabi ni Ridon na non-official capacity umano ang mga naturang biyahe at maaaring gamitin ang mga ito upang suportahan ang alegasyon sa ilalim ng Article 2 ng impeachment case hinggil sa unexplained wealth.
Maaari ring humingi ang prosecution ng mga dokumento tungkol sa mga biyahe at kumuha ng testimonya mula sa mga opisyal na nag-apruba nito, gayundin sa travel agent na bumili ng mga tiket.
Samantala, nauna nang pinagbigyan ng Senate impeachment court ang kahilingan ng prosecution na i-subpoena ang bank records ni Duterte kaugnay ng naturang alegasyon.











