--Ads--

Inihayag ng Philippine Army na 19 pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army, kabilang ang kanilang lider, ang nasawi sa serye ng engkuwentro laban sa 79th Infantry Battalion nitong Abril 19 sa Toboso, Negros Occidental.

Kinumpirma ni Brig. Gen. Ted Dumosmog na kabilang sa napatay si Roger Fabillar, isang mataas na lider ng NPA na may mga alyas at may patong na pabuya, na iniugnay din sa ilang kaso ng pagpatay sa mga sibilyan.

Narekober ng militar ang 19 na high-powered firearms at iba pang pampasabog sa lugar ng bakbakan. Isang sundalo naman ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa Bacolod City.

Dahil sa insidente, mahigit 360 residente mula sa mga karatig barangay ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na tensyon sa lugar.

--Ads--