--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtulungan ang ilang ahensiya ng pamahalaan para makauwi na sa Misamis Oriental ang 190 na manggagawa ng pekeng sigarilyo ng warehouse na sinalakay sa Naguilian, Isabela ng Isabela Police provincial Office (IPPO), Naguilian Police Station at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dante Balao ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 at chairman ng Joint Regional Task Force on COVID-19, sinabi niya na noong June 9, 2020 ay dinala sa Metro Manila ang mga trabahador.

Naibiyahe sila sa tulong ng Joint Regional Task Force Coronavirus Shield na pinamumunuan ni PBGen Angelito Casimiro, regional director ng Police Regional Office 2.

Isinakay ang 190 na manggagawa ng mga bus ng Dalin Liner at ineskortan ng mga pulis para hindi maantala ang kanilang biyahe.

--Ads--

Mayroon ding sumamang ambulansiya para may magbigay ng 1st aid sakaling may magkasakit sa mga Locally Stranded Indivisual (LSI).

Ayon kay Regional Director Balao, naisakay sa barko ang 190 workers sa tulong ng Department of Labor ad Employment (DOLE).

Ang mga trabahador ay nasa Camiguin Island na kung saan sila sasakay ng bus pauwi sa kani-kanilang mga lugar sa Misamis Oriental.

Ang mga trabahador na hindi na sumahod noong May 15-31, 2020 ay binigyan ng 3,000 cash asisstance bawat isa ng DSWD habang ang DOLE ay nagbigay ng 2,000 bawat isa.

Sinagot ng DOLE at OCD ang kanilang pasahe sa bus, habang sinagot ng national government ang kanilang pasahe sa barko mula Pier 4 hanggang sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Regional Director Balao, para hindi sayang ang biyahe ng mga bus sa pagbalik nila sa Isabela noong June 10, 2020 ay 189 na taga-Isabela ang isinakay para makauwi sila sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Regional Director Balao, ang Isabela ay may pinakamagandag pagpapatupad ng Balik-Probinsiya Program para maibalik ang mga LSI na nawalan ng trabaho sa Metro Manila at iba pang lugar.

Ang pahayag ni Regional Director Dante Balao