--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot  sa dalawang bilyong piso ang halaga ng mga nasirang  pananim na mais sa region 2 dahil sa tagtuyot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extensions ng DA Region 2, sinabi niya na maraming napinsalang mais  sa rehiyon dos noong buwan ng Hulyo dahil naging madalang ang pag-ulan.

Sa 221,315 hectares na nataniman  sa buong rehiyon dos ay umabot na sa 77,951 hectares ang partially damaged habang 10,667 hectares ang totally damaged  at sa kabuuan ay  88,619 hectares.

Ayon kay Dr. Busania, Isabela ang may pinakamaraming napinsala na  51,837 hectares na partially damaged habang ang totally damaged ay 4,365 hectares at sa kabuuan ay  56,203 hectares.

--Ads--

Sumunod ang Cagayan na may 13,514 hectares na partially damaged habang ang totally damaged ay 4,312 at  sa kabuuan ay  17,826 hectares.

Pangatlo ang lalawigan ng Quirino na may partially damaged na 10,009 hectares habang ang totally damaged ay 1,750 at sa  kabuuan ay 11,759 hectares.

May naitala rin ang Batanes na 12.9 hectars na totally damaged.

Ayon kay Dr. Busania, humiling na ng  hybrid seeds na ayuda ang kanilang regional director sa central office ng Department of Agriculture (DA) para sa mga naapektuhang magsasaka.

Kung maaprubahan ito ay sa dry season na ipapamahagi ang ayudang binhi.

Umaasa  ang DA Region 2 na maging tuluy-tuloy na ang ulan na nararanasan sa rehiyon para maulanan ang mga mais na nasa vegetative stage pa lamang.

Ang pahayag ni Dr. Roberto Busania