--Ads--

Humingi ng paumanhin ang kumpanyang Habita matapos mabunyag na dalawang empleyado nito ang inutusang bumalik sa loob ng isang shopping mall upang iligpit ang salapi sa cash register bago ang pagsabog na naganap kasunod ng malakas na lindol sa Kumamoto, Japan noong Hulyo 28.

Kabilang ang dalawang manggagawa sa 38 kataong nasawi sa magnitude 6.8 na lindol, habang pito sa mga biktima ay mula sa Aeon Mall.

Ayon sa kumpanya, hindi nararapat ang naging utos sa mga empleyado at inamin nitong malaking pagkakamali ang naging desisyon. Sinabi rin ng sales director ng Habita na hindi kailanman dapat isinugal ang buhay ng mga manggagawa para lamang sa salapi.

Isa sa mga nasawi ay ang 22-anyos na si Kurumi Otake, na ayon sa kanyang pamilya ay bumalik sa loob ng gusali matapos utusan ng kumpanya na ilipat ang pera mula sa cash register patungo sa isang ligtas na lalagyan.

--Ads--

Patuloy namang pinag-aaralan ng kumpanya ang mga susunod nitong hakbang kaugnay sa insidente, habang nagpapatuloy ang pagdadalamhati ng mga naiwang pamilya ng mga biktima.