CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang menor de edad na lulan ng Honda Click 125 na motorsiklo sa nangyaring aksidente sa P1, Labinab Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bee Gee Dee Command Center, ang biktimang lalaki ay 17-anyos, na residente ng Dianao Cauayan City; habang ang babae naman ay 16-anyos, residente ng P1 Canlungan Reina Mercedes, Isabela.
Ayon pa sa Command Center, loss of control ang nangyari dahil wala naman silang nakabanggaan.
Pareho namang negatibo sa pagsusuot ng helmet ang dalawang biktima na naging sanhi ng kanilang pagtamo ng sugat sa ulo.
Sa ngayon, kasalukuyan ng nilalapatan mg lunas ang babaeng biktima sa Cauayan District Hospital habang ang lalaki naman ay kinakailangang magpa CT-scan sa IUDMC hospital.