--Ads--

CAUAYAN CITY -Arestado ang dalawang laborer matapos maaktuhang namumutol ng punong kahoy sa Comon, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina Dany Manzano, 47-anyos, may asawa at MC Davise, 23-anyos, binata at residente rin ng nabanggit na lugar.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang intelligence Operatives ng Aritao Police Station tungkol sa nagaganap na pamumutol ng kahoy sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.

Agad itong tinugunan ng mga awtoridad na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaan.

--Ads--

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang mahigit 249 Board Feet na Gmelina na lulan ng FF Steel Cart at isang chainsaw.

Dinala na ang mga pinaghihinalaan at mga nakumpiskang ebidensya sa Aritao Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Sina Manzano at Davise ay mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.