CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Tuguegarao City Police Station ang dalawang lalaki sa nagpapatuloy na kampanya kontra Presidential Decree 709 (Forestry Reform Code of the Philippines) sa Tuguegarao City.
Ang mga inaresto ay sina Francisco Sanchez Jr, 60 anyos, may-asawa, tsuper, residente ng Barangay Epza, Angeles City, Pampanga at Wilmar Ada, 26 anyos na tagong gulang, binata, helper at residente ng Tañada Subdivision General T. De Leon, Valenzuela City.
Ang mga kasapi ng Tuguegarao City Police Station sa pamumuno ni PLt. Col. Jhonalyn Tecbobolan, hepe ng Tuguegarao Police Station ay nagsasagawa ng checkpoint at Quarantine Control Point sa barangay Carig nang mamataan nila ang isang Isuzu Elf closed van na may plakang NGP 7646 na may lulang hindi pa matukoy na board feet ng Narra at Kmagong.
Ang tsuper na si Sanchez ay walang maipakitang papeles ng mga nasabing pinutol na kahoy.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang elf closed van na naglalaman ng mga kahoy maging ang tsuper at helper.











