Dinakip ng Cauayan City Police Station ang dalawang lalaki dahil sa pagnanakaw ng cellphone sa isang malaking mall sa lungsod ng Cauayan.
Kinuha ng isa sa mga suspek ang isang nakadisplay na selpon na nagkakahalaga ng 26,999 sa isang mall.
Ayon sa mga nagtitinda, agad namang naaresto ang mga ito at dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon at mas malalimang imbestigasyon.
Pahirapan naman ngayon sa mga awtoridad na alamin ang edad ng dalawa dahil sa hindi nila alam kung kailan sila pinanganak.
Ayon sa pahayag ng dalawa, isa sa kanila ay muslim at ang isa naman ay Badjao ngunit beberipekahin pa ng hanay ng Cauayan City Police Station.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Cauayan ukol sa nasabing kaso dahil desidido ang manager ng phone shop na kasuhan ang dalawang suspek.