--Ads--

CAUAYAN CITY– Nadakip sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Ramon Police Station at CIDG ang dalawang lider ng sindikato ng gun smuggling sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela..

Nagsagawa ng buy bust at entrapment operation ang magkasanib na puwersa ng Ramon Police Station at Criminal Investigation and Detection Group laban kina Pepito Ruezo alyas “Pepe”, 69 anyos, may asawa, pintor, residente ng Bugallon, Norte, Ramon, Isabela at Rolando Padua alyas “Lando”, 47 anyos, construction worker at residente ng Purok 3, Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Nakumpiska sa pag-iingat nina pepe at Lando ang isang Cal 45 pistol, isang magazine ng Cal. 45, isang ng holster at buy bust money.

Batay sa pagsisiyasat ng Ramon Police Station, sina alyas Pepe at Lando ay mga lider ng “Pepito Ruezo Gang” isang newly identified Criminal Gang sa Ramon, Isabela.

--Ads--

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of fire arms) sina Ruezo at Padua.