--Ads--

Dalawa katao ang nasawi at 22 ang nasugatan matapos araruhin ng isang sasakyan ang mga tao sa lungsod ng Leipzig, Germany.

Ayon sa mga awtoridad, agad na inaresto ang 33-anyos na German na suspek matapos ang insidente, ngunit wala pa umanong malinaw na motibo sa nangyari.

Batay sa imbestigasyon, minaneho ng suspek ang sasakyan sa kahabaan ng Grimmaische Straße at Augustusplatz kung saan nasalanta ang ilang pedestrian bago siya tumakas.

Kinumpirma ng pulisya na dalawang biktima ang nasawi, isang 63-anyos na babae at isang 77-anyos na lalaki, habang dalawa sa mga sugatan ay nasa malubhang kondisyon.

--Ads--

Sinabi ng mga opisyal na tinitingnan ang insidente bilang kaso ng marahas na pag-atake ng isang lone suspect at walang indikasyon na may kaugnayan ito sa pulitika o relihiyon.

Ipinabatid din ng mga awtoridad na ang suspek ay may dating mental health condition at nahaharap sa kasong murder at attempted murder.