--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang paaralan sa buong Isabela ang nakikitang hindi pa handa para sa darating na pasukan sa June 5, 2017.

Ito ang kinumpirma ni Schools Division Superintendent Jessie Amin ng DepEd-Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Amin na sa lahat ng paaralan dito sa lalawigan ay 2 eskwelahan ang maituturing na hindi pa handa ayon sa DepEd Central Office.

Ito ay ang paaralan ng Dicamay Integrated School sa San Mariano, Isabela at Dimatican Elementary School sa Palanan, Isabela.

--Ads--

Ayon kay Dr. Amin, nahuli ang konstruksyon ng 3 silid-aralan sa Dicamay Integrated School habang hindi pa naman naaayos ang 2 silid-aralan ng Dimatican bunsod ng pananalanta ng nagdaang bagyong Lawin noong October, 2016.

Sa kabila nito, ang lahat ng paaralan sa buong lalawigan ng Isabela ay handa na sa pagbabalik-eskwela maliban na lamang sa dalawang nabanggit.