Isang trahedya ang naganap sa LaGuardia Airport, New York nitong Linggo ng gabi matapos bumangga ang isang eroplano ng Air Canada sa isang fire truck habang lumalapag.
Nasawi ang piloto at copilot ng eroplano, habang dose-dosenang pasahero ang nasugatan. Dahil dito, pansamantalang isinara ang paliparan na ikatlo sa pinakamataong airport sa New York area.
Ang insidente ay naganap bandang 11:40 p.m. nang tamaan ng Jazz Aviation flight 8646 ang isang Aircraft Rescue and Firefighting vehicle na tumutugon sa hiwalay na emerhensiya.
Ang Eroplano ay may 72 pasahero at 4 na crew sa eroplano.
41 katao ang dinala sa ospital; 32 sa kanila ay nakalabas na.
Dalawang sakay naman ng fire truck ang nasugatan ngunit nasa ligtas na kondisyon.
Mahigit 500 flights ang nakansela dahil sa pagsasara ng paliparan.
Ayon sa ulat, ang fire truck ay tumutugon sa isang eroplano ng United Airlines na nakaranas ng kakaibang amoy sa cockpit.
Pinayagan itong tumawid sa runway, ngunit ilang segundo bago ang banggaan ay narinig sa air traffic control ang babala subalit bumangga parin ang eroplano.






