--Ads--

Naghain si Senador Bato dela Rosa ng dalawang panukalang batas sa kabila ng kanyang patuloy na pagliban sa mga sesyon ng Senado.

Sa sesyon sa plenaryo nitong Miyerkoles, Mayo 6, binasa ang dalawang panukalang batas na nilagdaan ni Dela Rosa at inihain sa Senate Bills and Index Section noong Lunes, Mayo 4, matapos ang recess ng Kongreso.

Kabilang sa mga inihain ng senador ang Senate Bill No. 2080 o Counter Foreign Interference Act at Senate Bill No. 2079 o National Police Clearance System Act.

Matatandaang hindi na pumasok sa Senado si Dela Rosa mula Nobyembre 2025, kasunod ng ulat na naglabas na umano ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng war on drugs.

--Ads--

Kasalukuyan din siyang humaharap sa ethics complaint dahil sa patuloy na pagtanggap ng suweldo at allowances sa kabila ng hindi pagdalo sa trabaho. Pinagkokomento siya ng Senate Committee on Ethics kaugnay nito.