--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ang pamilya ng dalawang nasawi matapos sumabit ang likurang bahagi ng isang dumptruck sa kable ng kuryente sa Nakar, San Guillermo, Isabela.

Ang mga biktima ay sina Salvador Wigan, 48 anyos, tsuper, residente ng Salay, Angadanan, Isabela at Florentino Manuel, 62 anyos at residente ng Nakar, San Guillermo, Isabela.

Sa imbestigasyon ng San Guillermo Police Station, sumabit ang likurang bahagi ng minamanehong dumptruck ni Wigan sa kable ng kuryente ng Isabela Electric Company (ISELCO 1).

--Ads--

Sinikap ni Manuel na tulungan si Wigan subalit maging siya ay nakuryente.

Agad dinala sa ospital ang dalawa subalit idineklara silang dead on arrival ng attending physician.

Bukod sa dalawang biktima ay nasunog din ang dalawang gulong ng dumptruck dahil malakas na boltahe ng koryente.