--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal sa banggaan ng single na motorsiklo at isang kulong kulong sa kahabaan ng National Highway Barangay Sillawit, Cauayan City.

Ang biktima ay ang tsuper ng TMX kulong kulong na kinilalang si John Rey Bugaoan, 27-anyos, helper, at residente ng P5 barangay Sillawit Cauayan City habang ang suspek ay kinilalang si Lander Tolentino, 21-anyos, tsuper ng Suzuki raider 150, na residente naman ng Barangay San Isidro, Cauayan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang sasakyan ay parehong patungo sa south direction partikular sa papuntang Alicia, Isabela.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente habang nasa proseso sa pagliko ang kulong kulong ay akmang mago- over take naman ang single na motorsiklo dahilan ng pagkakabangga sa kaliwang bahagi ng kulong kulong.

--Ads--

Parehong nagtamo ng sugat ang dalawang tsuper na agad namang dinala sa isang pribadong hospital dito sa Cauayan.

Sa ngayon ay naka hospital arrest ang tsuper ng raider na si Lander Tolentino na nahaharap sa RIR to Serious Physical Injuries and Damage to Properties.