Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang isinagawang joint anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 1:17 ng hapon noong Setyembre 1, 2026 sa Villa Luisa Subdivision, Purok 3, Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas “Bong”, 51 taong gulang, construction worker, Brgy. Bued, Calasiao, Pangasinan at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar; at alyas “Arnold”, 52 taong gulang, construction worker, may asawa, at residente ng Brgy. Ramona, Angadanan, Isabela.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng CDEU Cauayan City Police Station, katuwang ang mga tauhan ng RMU2 at PDEA, at isinagawa sa koordinasyon sa PDEA RO2.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang suspek matapos umanong magbenta ng isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na hinihinalang shabu sa isang pulis na nagsilbing poseur-buyer, kapalit ng buy-bust money.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang tinatayang 0.75 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na PHP5,100.00, kasama ang iba pang mga kagamitan na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na droga.
Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya ang isang pulang jewelry cardboard box na naglalaman ng apat na sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang digital weighing scale, tatlong lighter, dalawang improvised plastic tooter, dalawang maliit na rolyo ng aluminum foil, isang gunting, limang bakanteng plastic sachet, at dalawang cellular phone.
Ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











