--Ads--

Arestado ang isang lalaki matapos umanong mahuling nagbebenta ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation kahapon, Nobyembre 11, 2026, sa Barangay Buenavista, Santiago City.

Kinilala ang suspek bilang isang manggagawa at residente ng Centro East, Santiago City.

Isinagawa ang operasyon ng Police Station 1 at City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nakuha umano mula sa suspek ang 8.25 gramo ng hinihinalang marijuana na binili sa halagang isang libong piso.

--Ads--

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.