--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis-labis ang pasasalamat ng mga residente sa mga barangay sa West Tabacal region ng Cauayan City  na nabiyayaan ng 1,885 na relief packs ng 5 kilos na bigas at mga goods na ipinamahagi kaninang umaga ng team  ng Bombo Radyo Cauayan at Our Lady of the Pillar Parish Church (OLPPC) sa pangunguna ni Fr. Rusty Aggabao, Asst. Parish Priest.

Ang nasabing bilang ng mga  relief packs ay bahagi ng 200 cavans ng bigas at mga kartun-karton ng mga goods na donasyon sa OLPPC ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated (BRPFI).

Ang inisyal na 700 relief packs ay unang naipamahagi kahapon sa 7 barangay sa East Tabacal Region ng Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginang Maricel Flores, residente ng Barangay Gagabutan, Cauayan City na kabilang sa  mga tumanggap ng tulong  na malaking bagay ito sa kanila ngayon lalo na at hindi pa sila makapagtrabaho dahil abala pa sila sa paglilinis matapos na umabot sa 1 feet ang putik sa loob ng kanilang mga bahay.

--Ads--

Bukod dito ay nalubog din sa baha ang kanilang mga pananim.

Sinabi ni Gng. Flores na nang mabaha ang kanilang lugar ay tinanggal nila  ang isang yero ng kanilang bubong para makapunta sila sa tuktok ng kanilang bahay.

Kabilang sa pinuntahan kaninang umaga ang mga barangay ng Gagabutan na may 280 na households ang nabigyan, Duminit na may 550, Guayabal na may 405, Baringin Norte at Sur na may 100, Turayong na may 161, Alicaocao na may 350, Rizal na may 25 at Culalabat na may 14 households.

Ang pahayag ni Gng. Maricel Flores.