--Ads--

Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos mahulihan umano ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Banas,” binata, magsasaka, at residente ng Brgy. Muñoz, Roxas, Isabela.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, nahuli umano ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer na may tinatayang bigat na 0.20 grams at nagkakahalaga ng P1,000.

Bukod dito, nakarekober pa umano ang mga awtoridad ng dalawa pang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 0.10 grams.

--Ads--

 Nasamsam din sa operasyon ang isang P500 genuine bill, boodle money, isang cellphone, at isang motorsiklo.

Dinala naman ang suspek sa Cauayan District Hospital para sa physical at medical examination bago isinailalim sa tamang dokumentasyon at disposisyon sa himpilan ng pulisya.Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.