Arestado ang isang 22-anyos na lalaki matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Cauayan Component City Police Station sa Purok 3, Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela, nitong Nobyembre 10, 2026.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Kris”, 22-anyos, at residente ng Barangay Salvacion, Alicia, Isabela.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Cauayan CCPS katuwang ang RMU2, PDEA Isabela, PDEU, RIU2-PIT Isabela, at pakikipagugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2.
Narekober mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 1.4 gramo at mayroong Standard Drug Price (SDP) na nagkakahalaga ng PHP9,520.00.
Samantala, narekober sa pagiingat ng suspect isang genuine PHP1,000 bill at PHP 1,000 boodle mony na ginamit bilang buy-bust money, kasama ang isang kulay asul na Itel Android cellphone, isang multitester at isang kulay abong Honda Click motorcycle.
Agad dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at haharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











