--Ads--

Nakabalik na sa Pilipinas ang 22 overseas Filipino workers (OFWs) mula Israel nitong Sabado, Abril 18, sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabilang sa mga repatriated ang 18 caregiver at apat na hotel worker. Inilikas sila mula Israel patungong Egypt bago sumakay ng commercial flight pauwi ng bansa, sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Pagdating sa Pilipinas, sinalubong sila ng mga opisyal mula sa DMW at OWWA, kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatakda ring ipagkaloob sa kanila ang iba’t ibang programa ng pamahalaan para sa kanilang reintegration, tulad ng skills training mula sa TESDA, Government-to-Government overseas employment program, tulong pangkabuhayan, at medical assistance.

--Ads--