--Ads--

Higit 22 ang naitalang patay habang 24 naman ang sugatan matapos sumalpok ang isang bus sa cargo truck nitong Linggo, Oktubre 25 sa isang highway sa Makaueni, Kenya.

Batay sa imbestigasyon ng lokal na pulis, galing sa libing ang mga pasaherong sakay ng nasabing bus nang mangyari ang aksidente.

Kasalukuyan namang nagpapagaling na ang mga sugatan ngunit ayon kay Makaueni County Commissioner Abdullahi Khalif, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng naturang aksidente bagama’t ayon sa pulis, maaaring nakaapekto sa insidente ang speeding at masamang kundisyon ng kalsada.

--Ads--

Ang nasabing highway, na nagdurugtong sa lungsod ng Mombasa at kabiserang Nairobi, naganap din ang isang banggaan tatlong linggo bago ang bagong insidente, kung saan 17 naman ang nasawi. Ayon kasi sa awtoridad, madalas talaga anila mangyari ang mga banggan sa daan at dahil “accident black spot” ito ng highway.