--Ads--

Nahatulang guilty sa kasong murder ang lider ng isang starvation cult sa Kenya na si Paul Mackenzie, kaugnay ng pagkamatay ng 191 katao, kabilang ang 190 bata, matapos silang hikayating mag-ayuno hanggang sa mamatay.

Inanunsyo ng Mombasa Law Court nitong Lunes, Oktubre 19, ang hatol laban kay Mackenzie at sa ilang kasamahan nito na inakusahan ng pag-oorganisa ng isang grupong panrelihiyon sa ilalim ng Good News International Church.

Ayon sa prosekusyon, inutusan umano ni Mackenzie ang kanyang mga tagasunod na magutom, kasama ang kanilang mga anak, upang makapunta sa langit bago magwakas ang mundo at makatagpo si Hesus.

Nadakip si Mackenzie noong 2023 matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa grupo. Kalaunan, natuklasan ng mga awtoridad ang mga bangkay sa mabababaw na hukay sa Shakahola Forest, malapit sa baybayin ng timog-silangang Kenya.

--Ads--

Itinanggi ni Mackenzie na pinilit niya ang mga biktima na magutom, ngunit hindi tinanggap ng korte ang kanyang depensa. Itinanggi rin ng mga akusado ang mga kasong isinampa laban sa kanila.

Ayon sa mga awtoridad ng Kenya, mahigit 400 katao ang nasawi sa insidente sa Shakahola Forest, na kabilang sa pinakamalalang trahedyang may kaugnayan sa isang kulto sa bansa.

Nakatakdang ipataw sa Nobyembre 6 ang sentensiya kay Mackenzie at sa iba pang nahatulan sa kaso.