
CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Mayor Bernard Dy na pinasok na ng African Swine Fever (ASF) ang Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na umabot na sa 24 na barangay sa lunsod ang apektado ng ASF na kinabibilangan ng mga barangay sa tanap at forest region.
Sa katunayan ay maging ang kanyang pag-aari na piggery ay nadamay na rin at nakatakda nang isailalim sa culling ang halos 2,000 na baboy sa kanilang piggery farm.
Ayon kay Mayor Bernard Dy, kailangang paigtingin ang pagbabantay lalo na at hindi lamang mga nag-aalaga ng baboy ang apektado kundi kasama na rin ang mga nagtitinda ng karne.
Sa ngayon ay kasalalukuyan na ang culling sa mga apektadong barangay.
Sinabi ng punong lunsod na may Php5,000 na ayuda para sa mga apektadong backyard hog raisers na manggagaling sa Department of Agriculture (DA).
Aang magmumula sa pamahalaang lunsod ay kailangan pa nilang pag-usapan dahil napunta na sa pagbaka sa COVID-19 ang pondo.










