--Ads--

Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 24 overseas Filipino workers (OFWs) na nakulong sa Russia sa loob ng siyam na buwan dahil sa mga isyu sa kanilang immigration documents.

Dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport sa dalawang magkahiwalay na batch noong Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw. Sinalubong sila ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro at iba pang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), nagtatrabaho bilang cleaners sa Russia ang mga Pilipino ngunit kulang ang kanilang mga dokumento bilang legal na manggagawa, dahilan upang maharap sila sa immigration cases at kalaunan ay ma-deport pabalik sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na personal niyang inihiling kay Russian President Vladimir Putin ang pagpapalaya sa mga Pilipino sa kanilang pulong sa Russia. Samantala, magsasagawa ng imbestigasyon ang DMW at Department of Justice upang matukoy ang mga ilegal na gawain.

--Ads--